Wednesday, July 25, 2012

“Hiyaw ng Lahi”

Paunang Salita
            Ang salitang “hiyaw” ay sinonimo ng salitang tinig, panawagan na nagpapabatid ng karaniwang pakahulugan sa adhikaing tinataglay. Ang salitang lahi ay tumutukoy sa lupon ng mga tao na may sariling kultura, tradisyon at paniniwala. Sa madaling pagpapahiwatig ang sulating Hiyaw ng Lahi ay isang sumpleto upang gisingin ang lahing (lahing pilipino) napaidlip sa kaisipang-hiram sa mga dayuhan.
              Ang mga mamimilosopiya ay naghahangad na mapagtibay ang pilosopiyang sariling atin. Madali sabihing mayroon ang mga pilipino ng pilosopiyang tutukoy sa sariling kultura at tradisyon dahil raw umano sa likas nitong taglay. Unti na lamang ang mga kumukuha ng kursong Pilosopiya sapagkat ito raw ay ang kurso ng mga magpapari (mga seminarista at dating seminarista), ng mga mag-aabogado o dili kaya ng mga mayayaman. Kung ganito ang pananaw ng mga pilipino sa pag-aaral ng pilosopiya maari na nating husgahan na ang mga hinahangad ng mga mamimilosopiya ay malabong makamtan. Ang pag-aaral ng pilosopiya ay hindi para sa kaginhawahang gustong makamtam ng mga kasalukuyang lipunan o populasyon bagkus ito ay para sa bukas na daratal. Kaginhawaan hindi para sa atin kundi kaalaman at katotohanan para sa sususnod na henerasyon. Kung ating babalikan ang kasaysayan ng matandang panahon ng pilosopiya tulad nila Tales ng Miletus,Anaximander, Anaximenes, Heraclitus ng Ephesus, Parmenides ng Elea, Empedocles, Anaxagoras, Democritus ng Abdera, Socrates, Plato at Aristotle at iba pang mga pilosopo ay ating mapagtatanto na sa kanilang mga panahon ay hindi ito napakinabangan ng lubos ngunit ating nagagamit sa ngayon at tayo pa nga ang higit na nanginginabang sa bawat punto na gusto nilang ipabatid. Sa panahong medyeobal na kung saan nagsipaglipana ang mga pilosopong mga taong simbahan tulad ni San Anselmo na kilala sa kanyang argumentong ontolohikal, San Agustin at Santo Tomas na kilalang malaanghel o anghelikal na doctor ng simbahan dahil sa Summa Contra Gentiles at Summa Theologiae. Na kung saan ang mga gawa ng mga santong ito ay ang pilosopiya ng simbahang Romano Katoliko. Sa kaisipan naman ng oriental tulad ng Buddismo na nagpapakilala ng Nirvana at Hinduismo na nagpapakilala naman ng Brahma, Mahavishnu at Shiva. Confucianismo at Daoismo sa pilosopiyang Tsina na tumutugon patungkol sa kalikasan. Ang mga pilosopiyang ito bagaman ay iba-iba ngunit iisa sa layunin ito ay ang matuklasan ang katotohanan sa pamamagitan ng Pamimilosopiya. Hindi na mahalaga ang tanong kung alin ba sa lahat ng ito ang katotohanan sapagkat iba-iba ang ating mga kultura at tradisyon. Sinasabi sa punto ng Post Modernism o ng mga sumunod na taon pagkataos ng modernong panahon at ito ngayon iyon na nagsasabing ang katotohanan ay hindi nagmamayron (truth does not exist) na kung saan taliwas sa punto ng Pamimilosopiya na aking nabanggit sa una. Maari nga na ang katotohanan ay hindi nagmamayron kung kaya`t kailangan nating tuklasin ang mga “posibleng” katotohanan para sa atin bilang pilipino kung saan tayo`y makasusumpong ng birtud at kasiyahan. Ayon nga kay John Locke ang likas ng tao`y kasayahan. Huwag tayong matakot kung may kokontra sa bawat ideya na ating inihahayag sapagkat ang bawat isa ay may kanya-kanyang interpretasyon. Huwag mag-alinlangan kung sino at kung ano mayroon ka sa pagpapahayag ng kaalaman datapwat magi kang handa sa pagpapahayag nito. Ang bawat tao ay maari ng magsalita kung ano ang katotohanan sa punto ng post modernism sapagkat iba-iba ang saklaw ng ating mga karanasan at pag-unawa sa mga bagay-bagay na ating nakikita at nararanasan sa kapaligiran. Dahil sa likas na mapag-isip ang tao ay marami ang nangagsipaglipanang grupo ng mga mamimilosopiya tulad ng mga eksistensiyalismo, rasyonalismo, emperisismo, hermeneutiko, ilyuminismo at iba pang pangkat na nagtataglay ng iba`t ibang diwa ngunit iisa ang gawa iyon ay ang pamimilosopiya. 
                Kung mayrong pilosopiyang kanluranin at oriental tulad ng pilosopiya ng India at Tsina at iba pang mga bansa ngayon ang tanong para sa mga pilipino ano at nasaan ba tayo? Anong klaseng pilosopiya mayroon tayo? Kontento na ba tayo sa pag-aaral ng mga pilosopiyang kanluranin o dili kaya pilosopiya ng mga banyaga? Huwag nating patigasin ang ating mga leeg sa pagbabasa ng mga hiniram na pilosopiya. Huwag nating hayaang pumuti ang ating mga buhok sa mga dayuhang diwa bagkus dapat tayong mag-isip, gumawa at tumuklas kung sino ba at kung ano ba ang pilipino sa isip at sa gawa. Sa pangunguna ng mga pilosopong pilipino at dalubguro ay hinihikayat tayong magsipaggayak para sa bukas na daratal. Isakripisyo natin ang ating buhay sa paghahanap ng karunungang ipinagkait sa atin noon ng hindi na tayo maluko at mauto ng mga huwad na kaibigan na buhat pa sa mga dayuhang lupain. Kung ano man ang ating gagawing pagtuklas ay hindi para sa atin kundi sa buong Pilipinas na naghahangad ng pilosopiyang saganang atin.
             Ang pilosopiya ay mauunawaan kung alam natin ang ating pinagmulan at pinagdaan. Kung kaya’t sa sistemang ito tayo ay mangagsipagbalik-tanaw sa lumipas na kahapon. Ito ang Hiyaw ng lahi na patuloy na tumatawag pansin sa bawat pilipino bilang isang lahi sa isip at puso.
              Dito ihahayag ng may-akda ang historya bago ng kolonisasyo, kasagsagan ng kolonisasyon at pagkatapos ng kolonisasyon. Ipapakita rin sa sulating ito kung ano ba ang transpormasyong na bibigyang ng diin sa wika at pag-uugaling atin at kung ano ba ang pagbabagong naganap sa bansang Pilipinas at lahing pilipino.


Pasasalamat

                      Ipinapabatid ng may akda ang lubos na pasasalamat lalong lalo na sa Kataas-taasang lumikha ng lahat na bagay dito sa mundo. Ang Diyos na siyang banal at di- masukat niyang kapangyarihan. Sa tulong ng kanyang pagpapala hindi niya pinabayaan ang may-akda na supilin ng itim na diwa ang yaong kaisipan bagkus pinagtibay niya ito.
                    Sa mga may-akda ng libro na siyang naging basihan ng may-akda sa paglikom ng mga kaalaman ng bawat kaisipan at naging sandigan ng bagong hubog na kaalaman na maaring maging batayan sa pagtuklas ng karunungan.  Sa mga kaibigan at kamag-aral na tumulong upang mapalalim pa ang diwang tinataglay ng sulating ito. Sa aking pamilya at sa relihiyosong kapatiran na aking kinabibilangan ang “The Servants of Charity” ay lubos na pinasasalamatan sa suporta na kanilang ipinapakita, ipinapamalas at ipinadama sa may-akda.
                 Hindi rin magiging kumpleto ang pahinang ito kung hindi dahil sa aming Dalubguro na si Ginoong Silvino Balasta Jr. sa kanyang ipinamalas na husay sa unang kabanata ng aming talakayan. Mababayaran ng mga mag-aaral ang matriluka ngunit hindi ang karunungang buhat sa karanasan ng mga dalubguro ng bawat asignatura. Ito ang malaking pagtanaw ng may-akda sa lahat na naging bahagi ng sulating ito. ang may-akda ay naninindigan at naniniwala sa kasabihang “ginto`y nabibili ngunit hindi ang diwang sa puso namutawi”.
                            Maraming salamat po!
                     
                             
                                                                                                -Christian S. Magdaong
                                                                                                                       May-akda

Hiyaw ng lahi
             Sa simula ng ating kabihasnan ang sambayanang pilipino ay may angking sariling kultura, tradisyon at paniniwala. Ang Pilipino ay may iba`t ibang paniniwala kung saan nagmula ang bansa at lahing pilipino. Halimbawa nito ay ang alamat ni malakas at maganda. Nakakubli na rin sa pagka-pilipino ang pagsunod sa mga kautusan at batas tulad ng “batas ng kalatiao”; kung ano ang ginawa siyang kabayaran. Ang bawat indibidwal ay may tungkuling ginagampanan sa lipunan. Ang kalalakihan at kababaihan ay may iba`t ibang antas sa lipunan at maging ang mga bata at kabataan ay may kinabibilangan rin. Pagdating sa pagsamba may ipinagmamalaki ang pilipino. Ito ay ang pagsamba sa mga bagay-bagay na karaniwang nakikita sa kalikasan tulad ng mga ibon, puno, kweba, ilog, kahoy at maging bahaghari. Ito ang paniniwalang pagano. May araw silang itinalaga para sa pag-aalay sa mga anito na kinikilala nilang Diyos at ito raw ay siyang simbulo ng pagpapasalamat sa mga mga biyayang kanilang natanggap. Sa bawat tribu ay may namumuno iyon ay ang tinatawag na datu. Siya ang responsable sa kaniyang nasasakupan. Kung ating bibigyan ng pansin ito ang sistemang politika ng lipunang Pilipino. Sinasabi na ang hustisya ay para sa lahat kung kaya`t maging ang pagbibigay ng hustiya ay likas na taglay nating mga ninuno sa nagdaang mga panahon. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpaparusa sa nagkasala. Sa pangangalap ng may-akda ang paraan ng paghahanap ng hustisya ay kakaiba. Halimbawa, sa isang tribu ay may nangyaring masama o di kaya`y kahihiyan tulad ng pagnanakaw. Kung hindi alam kung sino ang sangkot sa yaong pangyayari isang pagtitipon ang gagawin at ang sinumang may hinala o kutob kung sino ang may sala ay ilalagay sa pagsusuri. Ang imbistigasyon ay idadaan sa kinaugaliang paglilitis. Sa isang kawa na puno ng kumukulong tubig ay may isang bato at iyon ay kukunin ng suspek o ng pinaghihinalaan, kung hindi niya iyon makuha`y ito ay nangangahulugang siya ang may gawa ng kasalanan. Sa sistemang pang-edukasyon tanging mga lalaki lamang ang maaaring mag-aral sapagkat sila ang bubuhay sa pamilya at ang babae nama`y sa loob lamang ng kanilang tahanan upang pagsilbihan ang kaniyang asawa`t anak. Agrikultura, pangangaso at pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng ating mga ninuno. Ang sistema sa pagsukat ay akma sa sistema natin sa ngayon subalit hindi na gaanong nakikilala dahil sa sistemang kolonyal. Ito ang ilan lamang sa mga patunay na ang pilipino    ay may sariling sistema bago pa ang kolonisasyon ng mga banyaga sa Pilipinas. Ang panahon ng pagkatuklas sa Pilipinas ng mga kastila ay ang nagsilbing hudyat ng pagbabago. Bago iyon isang katanungan ang nanghimasok sa aking kamalayan ito ay ang tanong na sino ba ang nakatuklas sa bansang Pilipinas? Ang kasagutang nagpaimbabaw ay si Francisco Serrano
noong 1512. Ngunit muling may sumulpot na katanungan at iyon ay ang sino ang muling nakadiskubre sa Pilipinas? Si Magellan noong 1521 ang tugon ng aking kaalaman. Dahil doon ano ang Pilipinas noong panahong hindi pa ito natuklasan ng mga dayuhan? Sa aking pananaliksik ang lupain ng Pilipinas ay nariyan na at may mga katutubo ng naninirahan dito taglay ang sariling kultura at tradisyon. Kung sagayon saan ba nagmula ang pangalang Pilipinas? Ayon sa aking kaalaman buhat pa sa itinuro ng aking guro ang Pilipinas na pangalan ng ating bansa ay ang ipinangalan sa bansa ng mga mananakop sa pagbibigay karangalan sa Hari ng espanya na si King Philip II. Sa impormasyong iyon hindi ang kastila ang nakadiskubre ng ating bansa subalit sila lamang ang nagpangalan dito bilang pagkakakilanlan. Ito ay nangangahulugang ang lupain na kung saan tayo tumatayo ay ang lupaing sariling atin na kinikilala bilang bansang Pilipinas.  Ang Pilipinas ay sinakop ng tatlong mga lahi. Ito ay ang espanyol, amerikano at  hapones. Mahabang panahon na ang Pilipinas ay napasakanilang mga kamay. Pagmamalupit, pasakit ang siyang naranasan ng mga pilipino. Ilan sa mga iyon ay ang kahalayan sa mga kababaihan, pang-abuso sa kapangyarihan. Hinubaran ang pilipino ng dignidad at kalinisang puri. Inalila ng tulad sa mga hayop. Pinagtrabaho ng kulang na lang dugo ang siyang maging pawis na dumaloy sa mga napapagal na mga katawan. Isang karumaldumal na kahapon ang pinagdaanan ng ating mga ninuno. Tila isang panaginip na pumukaw dahil sa sakit at kahihiyan. Ginawa tayo ng mga dayuhang alipin sa sariling lupain, idiniin sa sinilangang bayan. Pagmamalupit ng mga espanyol ay ating naranasan. Isa na rito ay ang pagpapasunog sa mga nakasulat na dokumento ng mga pilipino sa kadahilanang ito raw ay gawa-gawa ng demonyo.
            Yaong mga dayuhan ang nagmistulang Diyos ng mga indiyo kung tawagin dahil sa kanilang mga inasal. Baril at espada ang siyang nakaabang sa katawang lupa ng bawat pilipinong tataliwas sa sistemang dayuhan at hukay naman sa mga malamig na bangkay dahil sa ipinamalas na kabayanihan.  Sa kabila ng lahat ipinamalas sa atin ng mga kastila ang paniniwalang Kristiyano katoliko na naging bunsod at sentro ng kanilang pananakop maliban pa riyan ang pakay na Ginto`t pangalan o pagkilala sa kanila bilang makapangyarihang bansa. Inakap ng mga pilipino ang turo ng doktrina kristiyana. Kung sa positibong bahagi ng kolonisasyong espanyol ito ang siyang pinakakilala. Dito lalabas ang piyesta ng mg santo at iba pang kulturang panrelihiyo na kung saan ay naimpluwensiyahan ang lahat. Gaya ng mga Industriyalisadong Bansa, ang Amerika ay nangangailangan ng mga hilaw na sangkap na mahalaga sa industriya nito. Kailangan nila ang mga bagong palengke sa ibang bansa para sa mga tapos na produkto. Ang mga Amerikanong mangangalakal at magbabanko ay naghahanap ng pagkakakitaan sa ibayong dagat upang magtayo ng mga bagong negosyo at murang lakas paggawa. Pinalubog ng mga Kano ang sarili nilang barko upang isisi sa mga Kastila at upang mabigyan ng katuwiran ang panghihimasok ng mga Kano sa labanang Kastila at mga Cubans. Lumalabas na ang bawat Pilipino noon ay binili ng mga Kano mula sa mga Kastila sa halagang $2 bawat isa. Isang mapait na katotohanan na tayong mga pilipino`y ipinagbili sa mga banyaga ng mga banyaga rin umano. Kung ating sisiyasatin ang ganoong pangyayari ano ba ang karapatan ng mga dayuhan na ipagbili ang di naman sa kanila. Tayong mga pilipino ay tila mga produktong pinagpapalit-palitan ng mga lahing nakiyapak lamang sa lupaing saganang atin. Matapos tayong ipagbili sa mga amerikano panibagong implementasyon na naman ang ating natikman. Ngunit bago pa man tayo napasakamay ng mga hilaw na lahi isang kabayanihan ang ipinamalas ng ating mga ninuno. Isang digmaan ang nangyari sa pagitan ng Amerikano at Pilipino. Nagwagi nga ang hilaw na lahi ngunit ipinahayag na muna ng mga pilipino ang pagmamahal nila sa sariling lupain, kultura at tradisyon at iyon ang pagpapahayag at pagtanggol nito sa masamang motibo ng mga amerikano. Ito`y isang malinaw na katibayan na hindi natin sila tinanggap sa Pilipinas. Walang kaibahan ang mga mananakop ngunit sadyang matatalino ang mga amerikano. Ipinamalas ng mga amerikano ang edukasyon. Ayon sa mga kuro-kuro na ito raw ang positibong nagawa ng mga amerikano ang turuan ang mga pilipino sa aspeto ng pamumuhay. Ang edukasyong kolonyal ay tusong sumira sa pakikibaka at tagumpay ng mga tao, sumakay sa mga unang balyus habang niluluwalhati ang kulturang Amerikano upang mapadali ang paggawa ng mga tapat, makasarili, may oryentasyong komonsumo at alipin sa kabuhayang uri ng mga tao. Kaya ang mga Pilipino ay tinuruan ng “A” is for Apple, sa halip na atis; C is for chestnuts; ang G is for grapes sa halip na caimito o guyabano. Ang mansanas, chestnuts at ubas ay nasa listahan ng surplus na produkto ng Amerika para sa export. Hindi naglaon ay ipinakilala si Santa Claus na may dalang bag ng mga regalo para sa mga batang masunurin, palayuko sa kahit anong dikta ng mga dayuhan; ganoon din si San Valentino, ang Patron ng mga mangingibig. Kung ating sisiyasatin ang dalawang santong nabanggit ay ilan lamang sa mga inalis ng simbahan bilang santo sa kadahilanang ang kanilang kasaysayan ay pinag-aalinlanganan. Hindi naglaon inakap na ng mga pilipino ang sistemang amerikano hanggang sa ngayon.
             Umusbong ang tunggalian ng Amerika`t Hapon dahil sa pambobomba umano ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusob nito sa Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941. Dahil nasa ilalim ng kolonya ng Estados Unidos kaya’t sinakop ng Hapon ang Pilipinas. Nasumpungan ng Pilipinas ang kaniyang sarili sa pagitan ng dalawang imperyalistang bansang magkatunggali. Dahil sa tapang ng likas ng pagkapilipino hindi nila sinalong ang kanilang mga sandata at bumuo sila ng HUKBALAHAP o Hukbong Bayan Laban Sa Hapon. Kahit papaano nakatulong ito sa pagpapatakot sa mga sundalong hapones. Dahil sa galit ng mga hapones kanilang ipinasunog ang mga sulatin na nakalathala sa lengwaheng ingles. Kung ating bibigyan ng pansin ang positibong naimambag ng mga hapones sa ating pagkapilipino ay ang pagpapanatili ng wikang sariling atin. Binuhay ng mga pilipino ang sariling panitikan at sa utos na rin ng mga hapones. Ang tanging nagawa ng Imperyalistang Hapon noong World War II ay ang brutal na pagkitil ng buhay. Ang tangi namang nagawa ng US ay ang walang habas na pagwasak sa mga buhay at ari-arian ng mga Pilipino sa ilalim ng balatkayong mopping-up operations sa kabila ng katotohanang ang mga Hapon ay umalis na sa mga bayan at siyudad. Winasak ng mga Kano ang mga ari-arian ng mga Pilipino sa pamamagitan ng walang habas na pambubomba at panganganyon upang ihanda sa War Damage. Kaya sa digmaan sa ikalawang pagkakataon ay lumabas ang US bilang “Liberators”, sa isang madugong pagtutunggali na di natin hinangad, ang Pilipinas ayon kay Commissioner McNutt ay nagbuwis ng 1,111,938 na buhay; mahigit sa 60% dito ay Kabataang Pilipino- kasama ang mga gusali at ari-arian na nagkakahalaga ng $300 Bilyon.
               Sa katagalan ng kolonisasyo ay nakamtam rin natin ang kalayan sa sariling lupain. Malaya na tayong magsaya at magdesisyon kung ano ang ating gagawin subalit tayo rin ay may mga batas na sinusunod iyon ay ang nakasulat at di nakasulat na mga batas patungo sa mapayapa at moralistang pamayanan. Ngunit tinanong ko ang aking sarili kung totoo ba tayong lumaya? Kung lumaya man tayo, saan tayo lumaya? Ano ang bago sa ating paglaya? Tayo pa ba ang pilipino noong hindi pa tayo nasasakop ng mga dayuhan? Puro pa ba tayo? Ito ang mga katanungang ayaw magpaawat at naghahanap ng kasagutan.
             Transpormasyon  sa  Pag-uugali Kung ating sisiyasatin ang kolonyalisasyon ay may at may di kagandahan. Mula sa pagsamba ng mga pilipino sa mga anito o Diyos-diyosan ito ay napalitan ng paniniwalang Kristiyano katoliko. Kung ang babae noon ay animo`y nasa bahay lamang at nagmimistulang tagapag-alaga ng kaniyang asawa`t anak ngayon ay tila halos pantay na ang posisyon sa lipunan. Noon lalaki lang ang may karapatang makapag-aral ngunit yaong mga kababaihan ay may karapatan pang-edukasyon. Halos babae na ang naghahanap buhay sa loob ng pamilya at ang lalaki ang nag-aalaga sa mga anak. Maging sa politika ay nagpupumilit ang kababaihan na makilahok hindi lamang sa mababang posisyon at maging presidente ng bansa tulad nina Gng. Corazon Aquino at Gng. Gloria Macapagal Arroyo. Kung noon pagsasaka at pangingisda lamang ang alam ng mga tao`y ngayon marunong na silang magnegosyo tulad ng tindahan maliit man o malaki.  Mano-mano lang ang paggawa noon ngunit ngayon ay teknolohiya na. Tila maraming positibong epekto ang naidulot ng mga mananakop sa ating bansa. Ang positibo ay nagiging positibo kung may pinagbabasihan na negatibo. Kung kaya`t atin rin pong tuklasin ang mga negatibong epekto nito sa ating bansa. Mga kastila nagturo satin manigarelyo, Amerikano naman pagdating sa alak. Sa pilosopiyang isinulat ni G. Timbreza ang pilipino ay naimpluwensiyahan ng mga kaisipang kasi na kung saan ang di pagtanggap sa pagkakamali ang siyang dahilan. Kaisipang ganyan lang ang buhay, tayo`y tao lamang, okey lang, pasensya ka na at makakaraos din ang ang mga epekto ng kolonisasyon. Isa sa mga rason ay ang pagkawalang pag-asa sa pagkakasakop ng mga banyaga. Dahil sa pagiging soberanya ng kastila at ng iba pang mga mananakop walang nagawa ang ating mga ninuno kundi tanggapin na lang ang katakawan at kagustuhan nila lalong lalo na sa materyal at katawan. Hindi na nila sinubukang manlaban lalong lalo na ang mga kababaihan. Dahil sa trauma na kanilang dinanas sa tuwing masasalang sa karanasang di kaaya-aya ay isinusuko na lang nila ang lahat. Isa na rito ang pang-aabusong sekswal sa mga kababaihan. Sabihin na nating ang mga babae noon ay takot na makipag-usap sa mga kalalakihan upang makaiwas sa posibleng mangyari subalit ginamit ng mga dayuhan ang kanilang kapangyarihan at panghahalay sa mga kababaihan ang kanilang pinangagsipaggawa. Dahil sa paulit-ulit itong dinaranas ng mga babaihan noon kung kaya`t nakatanim na sa kanilang isipan na sila`y animo`y bagay lamang na pwedeng gamitin at pagsawaan kung kilan kaladkarin ng kalalakihang dayuhan kung kaya`t iyon na lamang ang mga salitang kanilang madalas mabitiwan. Dahil sa tagal ng panahon at Kadalasan nating ginagamit ang mga salitang iyon at sa halip na gamitin lamang sa di pangkaraniwang pagkakataon ito ay nagmistulang ekspresyon na lamang o terminolohiyang ikinakabit sa tuwing kailangan nating magpahayag ng ating sarili at nalalaman. Sa katunayan ang paggamit ng mga salitang iyon ay hindi nangangahulugang negatibo, panay na pag-aalinlangan at di pangtaggap bagkus ito ay ating nagagamit dahil sa mentalidad na mapapadali natin ang aking pakikipagtalastasan.
             Ito rin ay ayon kay G. Timbreza na ang pilipino raw ay mapanlamang. Sa pag-aanalisa na aking napagtanto dahil sa mga banyagang nanlamang sa mga pilipino noon ay nakuha ng ating mga ninuno ang mga pag-uugaling tulad niyaon. Ang mga pilipino ay nag-asam ng kaginhawa at dahil sa ipinagkait ito naikintal nila sa kanilang mga isipan na sa pagdating ng panahon ay babawi sila. Dahil sa walang kakayahang makabawi kanila na lamang itong  ibinaling sa kapwa pilipino na kung saan nauuwi sa paglalamangan ng bawat isa. Tinutukoy rin dito na ang pilipino ay mahilig sa palakasan na nauuwi sa dayaan. Pikon at nagwawala ang pilipino, ang pagkapikon ng pilipino ay ang konsepto ng pagkainis, pagkainis sa tagal ng pang-aabuso subalit hindi nila mailabas ito kung kaya’t` kadalasang nauuwi sa pagwawala at lalong lalo kung lasing. Ang sikolohikal na aspeto ng pagwawala ay paraan upang maibsawan ang ating nag-uumapaw na pagkagalit. Mapamintas at mabongga ang pilipino, kung ating babalikan ang ang kasagsagan ng kolonisasyon tinawag tayong indiyo at mangmang ng mga kastila at kung anu-ano pang mga salitang nakapagpatigas ng ating mga damdamin. Kung kaya`t dahil sa hindi natin kayang pintasan sila ito ay ibinabaling na lang sa ating kapwa at di madaling magpatalo pagdating sa mga kasuutan at handaan. Ang pagiging mabongga ng isang pilipino ay nagmula sa kastila. Dahil sa katolisismo ang kanilang ipinamana sa Pilipinas halos lahat ng santo`y ipinagdiriwang ang mga kapistahan nito. Ang lahat ng tahanan ay kailangang maghanda bilang tanda ng pakikipagkapwa at hanggang sa ngayon ay patuloy na isinasagawa kahit walang pera at kahit ipangutang basta lang may maipakain sa mga bisita. Tinutukoy rin ni G. Timbreza na ang tao`y laging hinahandaan mula sa pagkasilang hanggang sa pagdiriwang nito ng kaniyang kamatayan. Isa itong magandang kaugalian sapagkat kahit wala na ang mga mahal natin sa buhay ay inaalala pa rin natin sila ngunit kung sa praktikal na kadahilanan kailangan pa ba nating paggastahan ang mga wala na dito sa mundo? Ito`y depende na lamang sa bawat indibidwal sapagkat ito ay ating nakuha buhat sa banyagang kaisipan na sumakop sa atin. Sa loob ng mahabang panahon ng pagkakasakop sa atin ating makikita ang pagbabago ng ating lipunan laong lalo ang pag-uugaling pilipino. Hindi natin masisisi ang ating lahi kung tayo ay nagtataglay ng negatibong pag-uugali tulad sa mga nabanggit ni G. Timbreza sa kanyang mga gawa sapagkat tuluyan ng nawala sa atin ang orihinal ng pagkapilipino. Sabihin na nating lumaya tayo sa kamay ng mga banyaga ngunit tingnan natin sa ngayon, tayo ay parang buntot ng mga amerikano. Madali na tayong maimpluensiyahan ng mga kanluranin tulad na lang sa pisikal na kaanyuan mula sa buhok hanggang sa ating mga paa. Ito ang mga patunay na ang mga katangian na ating ipinapamalas sa ngayon ay makakanluranin kung kaya`t hindi natin masisisi ang ating lahi sa kadahilanang tayo`y biktima rin ng pananakop ng mga dayuhan. Kung ano tayo sa ngayon ay hindi sa ginusto natin bagkus ito ay ang mga bunga sa atin ng kolonisasyon.  Ang pag-uugaling pilipino ay nabago dahil sa kasaysayang tinahak at sa atin isinubo. Kahit man nagbago ang orihinal na pag-uugaling pilipino hindi natin maikakaila na tayo parin ito bilang iisang lahi. Sakatunayan aking napagtanto kung hindi tayo nagkaroon ng transpormasyon sa pag-uugali hanggang ngayon ay bulag pa rin tayo sa katotohanang hindi natin alam ang riyalidad na pangkalahatan. Hindi rin sana natin naranasan ang pagiging bago hindi sa anu man aspeto kundi sa karanasang pantao, panlipunan, pangbansa at pangsansinukob.
                Transpormasyon sa Wika. Nabanggit sa unang pahina na ang unang pilipino ay mayroon sariling wika at pamamaraan ng pagsulat. Ang pagsunog ng mga kastila sa mga dokumento ng ating lahi ay isang karahasan at panghuhubad ng kasaysayan. Ang kasaysayan ay siyang batayan sa pag-aaral ng kinabukasan.  Kung ating mapapansin kulang tayo sa mga patunay na ang ating lahi noon ay may kaalaman na sa larangan ng wika. Ang wikang sariling atin ay ipinagbawal sapagkat ito raw ay di umano salita ng demonyo. Dahil sa ang wika natin ay nagkaroon ng salitang espasyol at ingles at ang mga ito ay nagdulot ng pagbabago kung saan nahaluan ang ating wika ng salitang banyaga. Kung ating mapapansin sa ngayon marami tayong hiniram na mga salitang banyaga ngunit kung ating mamarapatin hindi natin hiniram ang mga ito sapagkat sadyang ang mga ito itinanim sa ating mga isipan na siya rin nating ginagamit sa ngayon.
                  Sa panahon natin ngayon lengwaheng espanyol at ingles ang siyang may maraming ambag na mga salita na ginagamit natin sa pakikipag-usap. Tingnan natin ang bansang India. Ang bansang ito ay masagana sa iba’t ibang lengwahe. Mayroon silang Hindi, tamil at iba pa. Ayon sa aking pananaliksik halos ang mga salita sa Ingles ay may katumbas na salita sa sarili nilang wika. Nagkaroon sila ng ganoong kalagong wika dahil sa pananatili nito sa pagkakagamit. Ito ay isang bansang dapat pamarisan datapwat hindi nila hinayaang mahaluan ng ibang salita ang kanilang wika. Kung ganito tayong mga pilipino pagdating sa wika ay konserbatibo, ano pa kayang pag-ulad ng wika ang ating matatamasa. Dahil sa impluensiya ng kanluranin madali tayong mapasunod. Tayo ay kontento na sa pagbabaybay ng salitang ingles sa pilipino at iyon na ang nagsisilbing pilipino para satin. Ito ay magandang pamamaraan ngunit wala sa atin ang pagiging orihinal.
             Maraming iniidulong mga banyaga ang mga pilipino tulad ni Shakespear at iba pang dalubhasa sa paggamit ng mga salita, mga manunula, manunulat at mga makata. Sa larangan ng pelikula banyaga rin ang bidang-bida. Sa larangan ng musika madalas abangan ang mga dayuhan. Ngayon ang mga kabataan ay mas humahanga sa mga awiting makadayuhan. Mastinitilian ng mga pilipino ang imported na mga produkto. Kung ikaw ay isang kabataan at hilig mo`y orihinal na mga awiting pilipino ika`y pag-asa ng bayang uhaw sa sariling wika ngunit kung ika`y kaawa-awa sapagkat kahiya-hiya ka sa panlasa ng mga kabataang nakalimot sa mga salitain ng sarili nilang mga dila. Hindi ba natin alam na sa bawat salitang banyaga na ating nalalaman ay unti-unting nasasapawan nito ang wikang sariling atin. Ito ay maihahalintulad sa isang timbang may malinis na tubig at pagdating nang tag-ulan ay nahaluaan ito na ibang klase ng tubig. Dahil sa tagal ng pag-ulan ang dating malinis na tubig ay napalitan na ng tubig-ulan, ganiyan ang mangyayari sa wika sariling atin kung hindi natin ito iingatan. Bakit hindi kaya natin subukang gawing idulo sina Rizal, Balagtas, Claro M. Recto, Lope K. Santos, Jose Corazon de Jesus, Huseng Batute’ at ‘Huseng Sisiw’, Severino Reyes, Zoilo Galang, Cecilio Apostol  at iba pang mga bihasa sa lengwaheng pilipino. (Ngunit may katanungan sa kasabihan ni Gat Jose P. Rizal “ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa amoy ng mabahong isda” dahil ito ay salungat sa kanyang sinulat na Noli Me Tangere at El Filibusterismo sa lengwaheng  espanyol. Sa katunayan sinulat niya ito sa kadahilanang ang pilipino sa panahong iyon ay di hamak na mas magaling sa wikang espanyol kaysa sa wikang pilipino). Kung ang mga taong ito ay buhay pa hanggang sa ngayon tiyak ang wikang sariling atin ay sadyang mayabong at orihinal dahil sa kanilang pagmamahal sa letra, salita at wika sariling atin. Sa kadahilanang ang buhay ng tao`y kinukumpleto sa pagtanggap nito sa kamatayan o posibilidad ng kanyang imposibilidad na pagmamayron, wala tayong magagawa kundi ang tanggapin ang katotohanang ang yaong mga bihasa`y wala na.   Sa tulong ng mga hapones  na sumakop sa ating bansa kahit papaano`y nasariwa ang ating wika dahil sa pagpapasunog nila sa mga sulatin na nakasulat sa wikang ingles at pinapagsulat nila ang mga pilipino ng panitikan sa sariling wika
          Kung ating mapapansin maraming wika ang hindi na ginagamit tulad ng Aramaic na siyang wika ni Hesu Kristo, Ehipsiyano, Elamite, Etrusksan at iba pang mga wika. Ang mga ito ay bigla na lamang naglaho sa kadahilanang wala na nitong gumagamit. Hindi sapat na dahilan ang katandaan ng wika upang ito ay maglaho bagkus ang katandaan panga nito ang mas nagpapalawak at lumilinang sa pagkawika nito maliban kung wala ng gumagamit ng mga wikang yaon.
        Ang hindi pagpapahalaga sa sariling wika ay pagpatay sa sariling lahi. Ang wika ay isa sa mga batayan ng matatag ng lipunan sapagkat ito ay binubuo ng hindi lamang isa kundi ng buong masa. Subukan kaya nating sa lipunang ating ginagalawan ay may iba’t iba wika ang ginagamit ng bawat indibidwal ano kayang pagkabansa mayroon tayo? Kung ating babalikan ang kaganapan sa kasaysayan ng tore ni Babel na nakasaad sa bibliya ito ay hindi natapos dahil sa nagkaroon sila ng kanya-kanyang wika na nauwi sa hindi pagkakaunawaan. Kung ganito ang mangyari sa bawat pilipino tiyak hindi lalayo sa mga ito ang ating sasapitin.
          Ang pagpapaunlad ng wika ay naaayon sa kagustuhan ng mga gumagamit nito. Wala sa bansang Amerika, Espanya at iba pang mga bansa ang pag-unlad ng ating wika. Wala sa mga Amerikano at Kastila ang pag-unlad ng ating bansa. Wala sa pelikula at mga babasahing banyaga ang pagpapalawak ng ating mga talasalitaan sa pilipino kundi nasa atin, nasa bansa, lahi at sa masang pilipino. Ang mahirap sa ating mga pilipino ipinapako natin ang ating atensiyon sa mga bagay-bagay na malayo sa makapilipinong pananaw. Hindi masama ang pagkahilig sa mga ganoong bagay ngunit ang ating kailangan ay ang pagiging responsable kung ano at kung sino tayo. Ang ating lahi ay makikilala sa taglay nating kasarilinan o pagkakakilanlan. Kung may isang mananaliksik tungkol sa iba’t ibang lahi at taglay nitong kultura at tradisyon papayag ba tayong ipahiya ang sarili nating pagkakakilanlan. Halimbawa, ang mga Amerikano ay nagsasalita sa wikang Ingles ay kilala sa mayabong na industriyal, ang mga kastila ay nangangagsipag wika sa wikang espanyol at kilala sa kanilang mga ekspedisyon. Ang wikang ingles at espanyol ay ginagamit ng siyento pursiyentong populasyon ng kanikaniyang bansa. Pagdating sa Pilipinas ano ang isusulat ng mananaliksik? Halimbawa ganito, ang Pilipinas ay isang arkipelago at kilala sa pagiging kristiyano. Ang mga pilipino ay gumagamit ng wikang Filipino at ito ay ginagamit ng halos kalahati ng populasyon. Papayag ba tayo na ganito ang mangyari? Kahit teoritikal ang sistemang ito ay ating pakatandaan na halos sa teorya nanggagaling ang posibilidad ng pagkakatotohanan nito.
           Hindi masama ang pagkahilig sa mga banyagang sulatin, awitin at iba. Sa katunayan nakakatulong ito upang palawakin ang ating imahenasyos. Ngunit bilang pilipino kailangan nating maging responsable sa bawat daan na ating tinatahak at baka di natin mamalayan alipin na tayo ng makadayuhang kaisipan. Aking naalala ang proyetong ipinatupad ng Pangulong Carlos P. Garcia na “Bayan Muna” ay nagpapahiwatig sa atin na tingnan mo muna yaong iyong taglay. (Sa katunayan ang “Bayan Muna” ay ang nagpapahiwatig sa masang pilipino na hikayatin muna ang sariling atin bago ang iba.) kung atin pa itong palalawigin bilang pilipino responsable tayo sa ating mga sarili kasama na ang pagiging isang lahi sa iisang bansa. Tungkulin nating mapagyabong ang hiyas ng ating lahi. Nasaan ba ang langit na bughaw? Karagatang asul? Sariwang hangin ng ating bayan kung ito linalason na ng makadayuhang pangaral? (Ang langit na bughaw, karagatng asul at sariwang hangin ay tumutukoy sa pagigi nating sariwa o birhen). Ngayon ang ating bansang Pilipinas ay bansa pa ba natin na naturan? Oo bansa pa natin ngunit ito`y magiging hindi kung ang dugo at pawis ng mga pilipinong pinaslang sa sariling lupain dahil sa pagnanasang madepensahan ang sariling karapatan sa lupain, kultura at tradisyon (kabilang na rito ang wika) ay masasayang lamang dahil sa mapansariling kaisipan ng bawat pilipino sa pagkahilig at pagiging iresponsableng pilipino. (Ang pagiging iresponsableng pilipino ay nangangahulugang pagyakap sa makadayuhang pamumuhay sa halip na sa sariling pagkakakilanlan.) Ang wikang sadyang atin ay humuhiyaw na siya`y gamitin upang ng sagayu`y ang iyong mga supling ay may maipagmalaki at gamitin bilang kalasag at baluti  sa nagbabadyang singaw ng muling pananakop.
           Sa kabuuan ang pag-uugali at wikang pilipino ay nabago nga dahil sa kolonisasyon na ating naranasan. Nabago man ngunit bilang lahi tayo pa rin ay tulad ng ating mga ninuno, pilipino sa lahi. Ang pagbabago ay mananatili sa mundo ngunit ang dapat lang nating pakatandaan na sa bawat pagbabago may dapat na iwasan at may dapat rin na sadyang pagbutihin pa tulad ng magagandang asal, pagiging makabansa, makatao at higit sa lahat ay ang pagiging maka-Diyos. Hindi natin maikakaila ang sadyang transpormasyon ng ating pagkakakilanlan. Maihahalintulad natin ito sa buhay ng tao. Mula sa pagkabata hanggang sa pagiging matanda`y sadyang nagbabago lalong lalo na sa pag-uugali, pananamit at pananalita. Ngunit kapag ang isang tao ay tumanda na, siya pa ba iyon? Opo, siya pa ang taong iyon tulad ito ng pag-uugali at wika nating mga Pilipino at magin na buong mundo may pagbabago man ngunit ang pananatili niya na pagiging siya ay ang mahalaga. Hindi rin natin kayang husgahan ang bawat pagbabago sapagkat ito ay naaayon sa karanasan.
             Wala man tayong karapatang humusga sa pagbabago na naganap sa ating lahi huwag sana nating pakalimutin na ang lahing humihiyaw sa parang ay nagsasabing kung ano mayroon tayo sa ngayon ay ang pagbabago ng kahapon. Kung ang pagbabagong iyon ay sadyang kabutihan ang hatid manapa`y ipangalandakan natin at kung higit o lalong ikasisira ng sariling lahi halina`t kumilos at siyang puksain.
            Sa pagtatapos nitong pagsisiyasat hinggil sa transpormasyon ng wika at pag-uugaling pilipino hinihikayat po ng may-akda na ikintal sa ating puso`t isipan na ang lahing ating dinadala`y lahing kayumanggi na kung saan ito ang kulay ng lahing marunong, matapang, may paninindigan at higit sa lahat may kinatatakotan (ang Poong Maykapal). Kahit man tayo nabahiran ng makadayuhang kaisipan tayo`y naniniwala na sa pag-uugali`t wika ako, sila, tayo ay lahing pilipino.


Talasanggunian
http://adzuhsfil3.blogspot.com/2007/06/panitikang-filipino-sa-ibat-ibang.htmlADZU HS Filipino III
Villafuerte, Patricino V. et al. Panitikang panrehiyon sa Pilipinas. Mega-Jesta Prints, Inc. Valenzuela City. 2000
http://batingaw68.blogspot.com/2007/06/ang-kasaysayan-ng-pilipinas-sa pananaw.htmlThursday, June 14, 2007
Sheridan pp. 63-65; Kasaysayan ng Pilipinas p. 162, Gagelonia-Gagelonia
 200 Saints weeded out, Vatican says, Manila Times, 14 May 1969
Hernandez, Bayang Malaya pp. 161-163; Constantino, The Continuing Past; The Seventh and Final Report of the US Commissioner to the Philippines Covering the period from 14 September 1945 to 05 July 1946; Virgilio Dionisio, RP’s War Damage Claim p. 5, Bulletin Today, 1983
http://www.scribd.com/doc/77771670/26421677-Panahon-Bago-Dumating-Ang-Kastila-1-5-1
http://www.omegawiki.org/Language/List_of_dead_languages
http://www.gutenberg.org/files/17786/17786-h/images/021_inf.jpg


No comments:

Post a Comment