Dalubguro
Christian Sandigas Magdaong
Salitang Dalubguro`y tila bago,
Sa mga pandinig ng ilang mga tao,
Ngunit kung ito bibigyang diin,
Ito`y luma na madalas lang gamitin.
Salitang dalubguro`y saan ba nagmula?
Upang mapadali yaong pag-unawa,
Pinagmulan ng salita`y dapat na makuha,
... At sa paraang yaon ating kaisipa`y mapupuno ng diwa.
Sa dalawang salita Dalubguro`y nagmula.
Mahusay`t magaling sa salitang dalubhasa,
At simpleng tagapagturo sa gurong mapag-unawa
Kung pagdurugtungi`y dalubhasang-guro siyang diwa.
Sa tulong ng mga dalubgurong pilosopo,
Ay napapanatili ang mga turo,
Na siya sa ngayo`y isinusubo
Sa mga mag-aaral ng pilosopiyang sa lumipas hango.
Karununga`y ating pakaibigin,
Pag-aaral ng pilosopiyang siyang dapat atupagin,
Huwag nawang panaho`y pakaaksayahin,
Habang may mga Dalubguro pang gagabay sa atin.
Christian Sandigas Magdaong
Ako, ikaw, sila tayo`y mga Pilipino.
Iisang lahi at iisang dugo,
Kulay natural at tama sa hango,
At makikilala rin sa ilong na pango.
Pilipinas, maykultura,
Tradisyon at litiratura,
Na bukod tangi at naiiba
... Sa mga kalapit na mga bansa.
Pilipinas may angking yaman,
Sa tubig at maging sa kalupaan.
May gobyerno at may nasasakupan,
May kakayahan sa larangan ng kapayapaan.
Ngunit aking napapansin,
Pagdating sa edukasyon istilo`y tila kanluranin,
Maging ang mataas na siyensyang pilosopiya
Ay sa kanluran din hango`t naakma.
Huwag nating pakalimutin
Na tayong mga Pilipino`y may pagmamay-ari din.
Tayo`y may talino at talentong angkin,
Na dapat tuklasin at pagyamanin.
Isa na diyan ang pilosopiyang sariling atin.
Pilosopiyang Filipino na dapat pagtibayin.
Hindi lamang ng mga Dalubguro`t may talinong angkin
Maging ng buong Pilipinas na sadyang magiliw.
No comments:
Post a Comment